NAGA CITY- Mabuti para sa mga magsasaka sa buong bansa ang tinatawag na contract farming na itinataguyod ng National Irrigation Administration.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Cesar Adan, President ng Irrigators Association sa Libmanan, sinabi nito na sa pamamagitan ng government’s contract farming program, ang mga magsasaka ang makaka-produce ng bigas na kung saan mapapababa nito ang average production cost sa nasa P15 per kilogram (kg), at makakapagbenta ng bigas sa nasa P29 kada kilo.
Ayon pa kay Adan sa pamamagitan ng contract farming program, naadiyan ang buong suporta ng pamahalaan na masolusyunan at maibigay ang lahat na pangangailangan ng mga local farmers.
Sa pamamagitan ng contract farming, inaasahan na makaka-produce ng dagdag na tonelada ng palay dahil magkakaroon ng adjustment sa dry season planting calendar na magsisimula sa October, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga farmers na makapagtanim pa ng ibang pananim sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
Ang resulta nito, makakapag-produce nang tatlong uri ng palay sa parehong area na mayroong sapat na patubig para sa mga itinanim ng mga magsasaka na rekomendadong rice varieties na kumpleto sa fertilizers at package ng technology.
Dagdag pa ng opisyal, ang suporta ng NIA sa pagsasaka ang mayroong nais na pagbutihin, pataasin at ma-sustain ang quality rice production bilang suporta sa programa ng pamahalaan na maabot ang rice sufficiency sa pamamagitan ng provision sa irrigation waters.
Sa ngayon, inaasahan na lamang ni Adan na magpapatuloy ang nasabing programa upang mas lalo pang mapabuti ang buhay ng mga magsasaka sa bansa.