NAGA CITY-Patay ang isang cooker operator matapos na masabugan ng cooker machine sa Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Renier Braza Caraan, 31-anyos, residente ng Sitio Omar, Brgy. Lagalag sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sinusubukan umano na ayusin ng biktima ang cooker machine ng bigla na lamang itong sumabog.
Dahil sa pangyayari nagtamo ng malalang tama sa kanyang katawan ang biktima na kaagad naman sanang itinakbo sa ospital para sa asistensya medikal pero sa kasamaang palad ideneklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.