NAGA CITY- Muling nakapagtala ng 18 panibagong kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.
Sa datos ng Department of Health- Center for Health Development (DOH)- Bicol, napag-alaman na dahil sa 18 bagong kaso, pumalo na sa kabuuang bilang na 320 ang kaso sa rehiyon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng DOH-Bicol napag-alaman na sa 18 kaso, walo dito ang mula sa Masbate, pito sa Camarines Sur, dalawa sa Sorsogon at isa naman sa Naga City.
Sa ngayon, nasa 169 naman ang bilang ng mga active cases sa buong Bicol Region.
Samantala patuloy pa rin ang panawagan ng DOH sa publiko lalo na sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at close contacts ng confirmed COVID-19 cases na mahigpit na sunudon ang quarantine at isolation procedures.
Gayundin ang pagsunod sa health protocols gaya ng social distancing, paguot ng facemask lalo na kapag nasa labas ng bahay, paghuhugas ng kamay, cough etiquette, healthy lifestyle at ang pananatili sa loob ng bahay.