NAGA CITY – Tatlumpo’t dalawang bagong kaso ang nadagdag sa kabuuang COVID-19 cases sa Bicol na pumalo na ngayon sa 1,453.
Sa data ng Department of Health (DOH)-Bicol, nabatid na sa nasabing bilang, mayroon ngayong 572 active cases.
Samantala, sa 32 bagong kaso, 9 dito ang mula sa Albay, dalawa sa Camarines Norte, 18 sa Camarines Sur kasama ang pito sa Naga City at tatlo naman sa Sorsogon.
Sa recoveries naman, mayroon na ngayong kabuuang 833 habang 48 naman sa mga binawian ng buhay.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols para maiwasan ang patuloy na paglobo ng nasabing sakit.