NAGA CITY- Patuloy ang paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease sa Bicol Region mula sa kasaluyang bilang na 619 confirmed cases.
Sa datos na ipinalabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol muling nadagdag ng 36 new confirmed cases ang rehiyon habang nasa 16 naman ang total deaths.
Base sa pagsusuri ng DOH-Bicol ang probinsya ng Camarines Sur umano ang may pinakamataas na kaso ng naturang sakit na sinusundan ng Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes at Camarines Norte.
Maliban dito ang Camarines Sur rin ang may pinakamataas na bilang ng mga active cases habang ang probinsya ng Albay naman ang nangunguna sa may mataas na bilang ng death cases sa rehiyon.
Kung maalala una ng sinabi ni DOH-Bicol, Regional Director Ernie Vera na posibleng umabot sa mahigit isang libo ang bilang ng mga positibo sa covid-19 pagdating ng kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon.