NAGA CITY- Patuloy ang paglobo ng mga kaso ng Coronavirus Disease sa Bicol Region.
Sa datos na ipinalabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol muling nakapagrehistro ng 36 new confirmed cases of COVID-19, resulta upang umakyat na sa kabuuang bilang na 655 ang confirmed cases habang mahigit naman sa kalahati ang Active cases na 378.
Sa nasabing bilang 10 ang mula sa probinsya ng Camarines Sur (5 Sipocot, 1 Buhi, 1 San Jose, 1 Canaman, 1 Iriga City, 1 Pili), siyam sa Masbate (4 Baleno, 2 Masbate City, 2 Aroroy, 1 Dimasalang), walo sa Albay (4 Legazpi City, 4 Daraga), apat sa Catanduanes (3 Virac, 1 Baras), four (4) Naga City, and one (1) from Sorsogon (Pilar).
Samantala dahil sa mabilis na paglobo ng nasabing sakit sa rehiyon, patuloy sa pagpapaalala ang DOH-Bicol sa mga mamamayan na sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.