NAGA CITY – Pumalo na sa 108 ang kabuuang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bicol Region.
Base sa data ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, pitong bagong confirmed cases ng COVID-19 ang naitala ngayong hapon kung saan pawang mga taga lungsod ng Naga at may exposure kay Bicol#91 at Bicol#92.
Narito ang initial background ng nasabing mga pasyente:
• Bicol#102 – 23-anyos na babae
• Bicol#103 (Painter) – 22-anyos na lalaki
• Bicol#104 (Private Employee) – 26-anyos na babae
• Bicol#105 (Laborer) – 59-anyos na lalaki
• Bicol#106 (Laborer) – 33-anyos na lalaki
• Bicol#107 (Housewife) – 22-anyos na babae
• Bicol#108 (Private Employee) – 26-anyos na lalaki
Ang naturang mga pasyente ang asymptomatic maliban sa Bicol#105.
Si Bicol#105 ang unang nakaramdam ng sintomas ngayon araw lamang, Hunyo 28, 2020.
Ang naturang mga pasyete ang nananatili na sa ngayon sa quarantine areas.