NAGA CITY- Dahil sa mabilis na pag lobo ng Coronavirus Disease ngayong lingo umakyat na sa halos 800 confirmed cases ang COVID-19 sa Bicol Region.
Sa datos ng Department of Health Center for Health Development – Bicol muling nakapagtala ng 31 new confirmed cases ang rehiyon resulta upang umabot na sa 780 ang kabuuang bilang ng nasabing sakit sa rehiyon.
Sa naturang bilang 20 ang mula sa probinsya ng Albay (8 Legazpi City, 1 Bacacay, 1 Camalig, 6 Daraga, 1 Ligao City, 2 Tabaco City, 1 Polangui), anim sa Sorsogon (3 Prieto Diaz, 2 Bulan, 1 Sta. Magdalena), tatlo sa (3) Camarines Sur (2 Lagonoy, 1 Baao), isa sa Naga City, at isa naman sa Catanduanes (Bato).
Dahil dito umabot na sa 462 ang active cases sa Bicol habang nasa 20 naman ang bilang ng mga binawian ng buhay.