NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 400 ang kaso ng Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, muling nakapag tala ng 21 new cases ng nasabing sakit sa rehiyon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng DOH-Bicol sa nasabing bilang siyam ang mula sa Naga City, walo sa Albay (5 Legazpi, 1 Daraga, 1 Rapu-rapu, 1 Polangui), dalawa sa Sorsogon at dalawa naman ay mula sa Camarines Sur (1 San Fernando, 1 Canaman).

Sa kasalukuyan mayroon ng 401 na confirmed cases sa rehiyon habang 221 naman ang Active cases.

Samantala nakapagtala ng ikalawang pasyenteng namatay dahil sa Coronavirus Disease sa lungsod ng Naga.

Ang nasabing pasyente ay si Bicol#351, isang babae, 40-anyos, residente ng Barangay Tabuco Naga City.

Sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion sinabi nito na maliban sa Covid-19, kasalukuyang rin itong nakaranas ng sakit na diabetes at peripheral arterial occlusive disease.Top