NAGA CITY- Umabot na sa mahigit 800 ang kaso ng Coronavirus Disease sa Bicol Region dahil sa 10 new confirmed cases.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development – Bicol napag alaman na nasa 804 na ang confirmed cases sa rehiyon habang patuloy naman ang pagdagdag ng mga nakakarecover.

Sa naturang bilang tatlo (3) ang mula sa Sorsogon (1 Casiguran, 1 Barcelona, 1 Pilar), tatlo (3) naman sa Naga City, dalawa (2) sa Camarines Sur (1 Pasacao, 1 Bula), at dalawa (2) sa probinsya ng Albay (1 Daraga, 1 Camalig).

Sa ngayon patuloy ang pag papaalala ng DOH-Bicol sa mamamayan na sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.