NAGA CITY- Umabot na sa 619 confirmed cases ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease sa Bicol Region.
Sa datos na ipinalabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol muling nadagdagan ng 36 new confirmed cases of COVID-19 ang rehiyon.
Sa naturang bilang 16 ang mula sa probinsya ng Albay (5 Guinobatan, 4 Daraga, 4 Tabaco City, 2 Ligao City, 1 Camalig), siyam sa Camarines Sur (3 Caramoan, 2 Bato, 2 Baao, 1 Pili, 1 Buhi), pito sa Masbate (2 Claveria, 2 San Pascual, 2 Esperanza, 1 Cawayan), tatlo sa (3) from Catanduanes (2 Panganiban, 1 Bagamanoc), at isa sa Naga City.
Samantala muli namang nakapagtala ng panibagong kaso ng namatay dahil sa naturang sakit ang rehiyon.
Ito’y kinilala na si Bicol#586 na una ng nakaranas ng sintomas noong August 3, 2020, komunsolta sa doctor noong August 6, 2020 at namatay August 7, 2020 dahil sa Pneumonia, High Risk.
Sa ngayon umabot na sa 350 ang Active cases sa Bicol habang 16 naman ang total deaths.