NAGA CITY- Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibong mga uniformed personnel sa COVID-19 sa Bicol Region, kinumpirma ng tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO) na wala pang naitatala sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMS Toby Bongon, sinabi nito na nagpababa na sila ng memorandum sa lahat na police station at units sa lungsod para magsumite ng priority list ng mga uniformed personnel na nasa ‘least expose to the most expose’ na nakaduty sa labas. Ito ay may kaugnayan sa kahilingan ni Dr. Lito Butch Borja, City Health Officer (CHO) ng lungsod para sa swab testing ng mga naturang personnel.
An nasabing hakbang ang paraan para matiyak hindi infected at hindi symptomatic ang mga ito.
Ayon kay Bongon, sisimulan na ngayong araw ang swab testing sa mga ito ngunit hinihintay na lamang ng opisina ang naturang listahan mula sa mga police station at units.
Kaugnay nito, umaasa naman ang opisyal na walang magpositibo sa COVID-19 mula sa mga uniformed personnel sa lungsod ng Naga.