NAGA CITY- Nairehistro ngayon ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol ang pinakamataas na bilang ng confirmed cases dahil sa COVID-19 sa Bicol Region.

Sa datos ng DOH-Bicol, napag-alaman na sa 445 test results na kanilang natanggap 39 sa mga ito ay nag positibo sa nasabing sakit.

Sa naturang bilang 13 ang mula sa Camarines Sur, siyam sa Naga City, walo sa Albay, anim sa Camarines Norte at tatlo ang mula naman sa Sorsogon.

Samantala muli nanamang nadagdagan ang bilang ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ang mula sa probinsya ng Albay.

Kaugnay nito umabot na sa 551 ang confirmed cases sa rehiyon, 293 ang Active cases habang nasa 14 naman ang total deaths.