NAGA CITY- Kinumpirma ni Governor Migz Villafuerte na patapos na ang bagong Camarines Sur Provincial Medical Center na mag sisilbing natatanging
COVID-19 treatment facility sa boong Bicol Region.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Villafuerte sinabi nito na matatagpuan umano ang nasabing Medical Center sa Municipalidad ng Bula. Kung saan sa
ngayon isang parte nalamang ng nasabing ospital ang hinihintay bago ito tuluyang magamit.

Ayon dito dahil sa kinakaharap na crisis sa Coronavirus Desease, mayroon din nakatalgang isang parte ng ospital ang gagawing isolation area para sa
mga Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) sa probinsya ng Camarines Sur.

Dagdag pa nito, hinihintay na lamang umano ng lokal na gobyerno ang mga medical equipment para maging ganap na covid treatment
Center.

Ang nasabing Medical Center ay bubuohin ng Bicol Medical Center (BMC) covid specialist, facilty at nurses ng probinsya ng Camarines sur. Ito ay
upang matiyak na tama ang mga hakbang na gagawin pag dating sa pag sugpo sa nasabing sakit.