NAGA CITY – Bumaba ang crime rate sa lalawigan ng Camarines sa mga nakaraang buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMAJ. Maria Victoria Abalaing, Public Information Officer ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na ang rason sa pagbaba ng crime rate sa Camarines Sur ay dahil sa patuloy na anti-criminality campaign na isinasagawa nila.
Aniya, nagpapatuloy rin ang kanilang pamamahagi ng mga leaflet materials, pagbisita sa mga barangay, pagsagawa ng mga seminar at paghihigpit ng police visibility upang mapanatili ang peace and order.
Maliban pa dito, nakatulong rin umano ang kooperasyon ng komunidad sa mga programa ng pambansang pulisya upang maiwasan ang iba’t ibang klase ng krimen.
Importante umano ang tulong ng publiko dahil hindi naman 24 oras mababantayan ng mga kapulisan ang kanilang mga nasasakupan na area, kung kaya ang kanilang kooperasyon ay malaking tulong sa paghuli sa mga masasamang tao at mga kawatan.
Sa ngayon ay hinikayat na lamang ng opisyal ang publiko na patuloy na magtiwala at makipag-ugnayan sa mga otoridad para sa tahimik na komunidad.