NAGA CITY- Tinatayang bumaba sa kabuuang 665 ang crime volume sa probinsya ng Camarines Sur matapos ipatupad ang enhanced
communitty quarantine (ECQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Lt. Col. James Ronatay Jr. spokesperson, Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sinabi nito na kung pagbabasehan ang datos ng PNP noong nakaraang taon kumpara sa kasalukuyan ay malinaw na malaki ang ibinaba ng ‘crime rate’ sa probinsya.
Nagsimula ito sa buwan ng Enero hanggang Abril 15, 2019 at kinumpara sa kasalukuyang taon kung saan lumalabas na bumaba ito ng 30% crime volume.
Ayon kay Ronatay, kahit pa bumaba ang crime volume sa lugar tumaas naman umano ang kaso ng mga nagsusugal.
Wala rin umanong tigil ang mga nahuhuling pasaway na mga residente na hindi sumusunod sa ipinapatupad na curfew at mga batas pag dating sa ECQ.
Kaugnay nito, pakiusap na lamang ng mga kapulisan sa lugar na patuloy na sumunod sa mga ipinapatupad na kautusan ng gobyerno upang makaiwas sa nakakahawang sakit na coronavirus disease (COVID-19).