NAGA CITY – Naglunsad ng Kaogma Motorcycle Cops ngayong araw, Enero 12, 2025 ang Camarines Sur Police Provincial Office, kung saan layuning ng aktibidad na panatilihing ang katahimikan at mapababa ang crime rate sa Bicol Region.

Sa naging pahayag ni PLTCOL. Virgilio Olalia Jr, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na sa launching ng nasabing aktibidad, isang magandang hakbang ang paglulunsad ng deployment para sa motorcycle patrol units o ang tinatawag na kaogma motorcycle cops.

Dagdag pa nito, na ang mga deployed personnel nito ang mayroong high equipped performance motorcycle, kung saan kakatawan ang mga ito sa pananatili ng kaayusan at katahimikan sa lugar upang mabawasan ang crime rate.

Kaugnay nito, binigyan-diin ng opisyal na ang polishing ay isa umanong malaking responsibilidad.

Hangad rin nito sa mga barangay officials, civic organizations at sa lahat ng miyembro ng komunidad na makipag-ugnayan at magtulungan umano para sa progreso at pagpapaunlad sa lalawigan ng Camarines Sur.