NAGA CITY-Nakahanda na ang Camarines Sur Police Provincial Office sa pagdating ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Camarines Sur ngayong araw, kung saan mahigit 50k na bisita ang inaasahan.
Pangungunahan nang Pangulo ang isasagawang rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na gaganapin sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Liza Jane Alteza, Spokesperson ng CSPPO, sinabi nito na ang lahat ng kapulisan ay nakahanda na hindi lang sa lalawigan ng Camarines Sur maging sa buong rehiyon ng Bicol sa pagbisita ng Presidente kung saan mangyayari ang pagtitipon sa Provincial Capitol sa bayan ng Pili.
Kaugnay nito, mayroon umanong mga pagbabago sa mga daan lalo na sa mga motorista na papunta ng lungsod ng Naga o kaya’y papuntang Maynila na kung saan ang magiging daan pansamantala ay sa may parte ng San Isidro sa bayan ng Pili malapit sa may Police Station at babagtasin nito ang Minalabac route at palabas sa Brgy. San Vicente, Milaor.
Habang ang mga biyaheros naman na galing sa Naga City ay pwedeng bagtasin ang daan na pareho ng papunta ng lungsod.
Dagdag pa ni Alteza na inaasahan nila ang pagbigat ng trapiko lalo na kung magsidatingan na ang mga kandidato sa pagka-senador at iba pang mga bisita na dadalo sa nasabing pagtitipon kung saan kanila ring inaasahan na mahigit sa 50k ang pupunta sa venue.
Ayon pa sa opisyal, ang nasabing ruta ay para lamang sa mga light vehicles, habang para naman sa mga malalaking sasakyan gaya na na lamang ng mga buses at trucks ang makakasabay sa mga sasakyang papuntang capitol dahil hindi naman ito padadaanin sa ginawang re-routing ngayong araw.
Samantala, humigit-kumulang 1000 na mga kapulisan ang naka-deploy at magbibigay ng kanilang asistensiya ngayong araw, at mayroon umanong mga naka standy mula sa iba’t-iba pang probinsiya.
Sa ngayon, paalala na lamang ni Alteza sa lahat ng pupunta sa venue na magdala ng magdala ng tubig at pamaypay dahil baka tumaas pa ang heat index ngayon, at para naman sa mga mayroong dalang bag bawal umano ang may lamang kung ano-ano gaya na lamang ng mga patalim.