NAGA CITY- Habang patuloy sa paglobo ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Bicol, sinabayan pa ito ng pagkalat ng mga nagpopositibo sa African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.
Sa panayam ngn Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA-Bicol), kinumpirma nito na maliban sa apat
na banyan at isang lungsod, may bagong apat na bayan ngayon sa CamSur ang nagpapatuloy ang depopulation sa mga alagang baboy.
Kasama sa mga bayan na ito ang Canaman, Camaligan, Cabusao at Gainza.
Maliban dito, patuloy din aniya nilang kinukumpirma ang bagong report na may kaso na rin ng ASF sa bayan ng Pamplona.
Nabatid na una nang naitala ang kaso ng ASF sa mga bayan ng Bombon, Calabanga, Magarao, Minalabac at lungsod ng Naga.
Sa ngayon, ayon kay Bordado, nagsimula na silang mamigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong hog raisers kung saan umabot na sa mahigit P23-M ang kanilang naibigay kapalit ng mahigit 4,000 mga baboy na ipinasailalim sa culling operations.