NAGA CITY- Patuloy ang mahigpit na pagbabantay at pagmonitor ng DA-Bicol kaugnay sa kaso ng ASF sa Bicol Region.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lovella Guarin, tagapagsalita ng DA-Bicol, sinabi nito na mas pinahigpit ang boarder control sa mga munisipyo at minomonitor ng veterinary service quarantine ng DA upang matiyak na hindi na kumalat pa ang nasabing sakit sa mga baboy.
Ayon pa kay Guarin, sa Bicol Region nananatili na mayroong kaso ng ASF sa Catanduanes na mayroong tolong bayan ang apektado, dalawa sa Masbate habang mayroong 7 municipalidad sa lalawigan ng Camarines Sur gaya ng Baao, Pili, Nabua, Ocampo, Bula, Libmanan at Presentacion.
Kaugnay nito, nakipag-koordinar na umano ang DA-Bicol sa mga Provincial at Municipal LGU para sa pagsasagawa ng de-population within 5 meter radius ng ground zero bilang isa sa mga hakdang upang mapigilan ang pagkalat ng ASF.
Kabilang naman sa kanilang katuwang sa pagbabantay na nagsisilbing mga frontliners sa pagkontrol ng ASF ang mga barangay para sa kanilang programa na Bye Bye ASF.
Patuloy din ang panawagan ng opisyal sa mga hog raiser na kaagad na makipag-ugnayan sa kanilang Municipal Agriculture Office enkaso mayroong napapansin na kakaiba sa kanilang mga alagang baboy lalo na kung nagkakasakit ang mga ito.
Pinaalalahanan naman ni Guarin ang publiko na bawal ang pagkatay sa mga baboy na mayroong sakit dahil mas lalo pang kakalat ang sakit.
Maliban dito, mayroong sinusunod na bio security measures, mga protocol at ang patuloy na panawagan na panatilihin ang disinfections sa mga kulungan upang maiwasan ang African Swine Fever.
Samantala, hindi pa umano kabilang ang Bicol Region sa vaccination program at patuloy na hinihintay ang guidelines mula sa mataas na opisina.
Sa ngayon, piglinaw aman ni Guarin na mayroong ibabayad ang DA sa mga hog raiser na apektado ng ASF pero kailangan na rehistrado upang mas mapadali ang pag proseso.