NAGA CITY- Plano ngayon ng Department of Agriculture- Bicol na bigyan ng ibang kabuhayan ang mga hog raiser sa mg lugar naapektohan ng
African Swine Fever sa Camarines Sur.
Ito ay dahil kailangan muna umanong palipasin ang tatlong buwan upang matiyak na maaalis ang mga virus na naiwan ng nasabing sakit sa mga lugar
sa loob ng 1km radius zone.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, spokesperson ng DA-Bicol, sinabi nito na naglabas na umano ng kautusan ang Regional
Director ng ahensya na bigyan ng tolong ang mga apekatdo ngunit sa ibang paraan, tulad na lamang nag pag tatanim at iba pang livelihood
program.
Una ng ipinangako na makakatanggap ang mga apektadong hog raiser ng P5,000 mula sa Department of Agriculture habang dadagdagan naman ito
ng provincial government ng P3,000.
Ayon dito, ito ay dahil hindi pa umano pweding mag alaga muli ng mga baboy ang mga lugar na naapektohan ng African Swine Fever hanggang sa
hindi pa bumabalik sa normal ang setwasyon sa mga lugar.
Kung maalala tatlong bayan na ng Camarines Sur ang naapektohan ng nasabing sakit, habang humigit kumulang nasa 400 na baboy ang ipinasailalim
sa culling operation.