NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Department of Agriculture- Quick Response Team for Animal Disease and Emergencies [DA-QRT] na nakapagtala na ng kaso ng African Swine Fever sa Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa DA-Bicol, sinasabing nagpositibo ang mga organ samples na sinuri ng Bureau of Animal Industry [BAI] mula sa mga baboy na inaalagaan ng ilang hograisers sa Brgy. Sto Domingo, Bombon Camarines Sur.
Kaugnay nito, katuwang ang Department of Agriculture, Provincial Government ng CamSur at LGU Bombon agad na nagpatupad ang mga ito ng biosecurity measures upang maiwasan ang pagkalat nito.
Nabatid na una nang naireport ang pagkamatay ng ilang mga baboy sa nasabing lugar.
Samantala, una na ring ipinagbawal ang pagpasok ng karneng baboy at iba pang processed meat products sa lungsod ng Naga matapos mailata ang pagkamatay ng ilang mga baboy sa naturang bayan.