NAGA CITY- Pinawi ngayon ng Department of Agriculture (DA)-Bicol ang pangamba ng mamamayan sa isyu ng swine flu na umano’y may posibilidad na maging isang pandemya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng DA-Bicol, sinabi nito na hindi sa ngayon nag-iimport ng mga baboy ang Pilipinas sa China kung kaya walang dapat na ikatakot.
Sa kabila nito, nakaalerto naman aniya ang gobyerno sa ganitong sitwasyon.
Kinumpirma rin ni Bordado na pwedeng nakahawa ang nasabing sakit mula sa hayop papunta sa mga tao.
Ito aniya ang malaking pagkakaiba ng swine flue sa African Swine Fever (ASF) na patuloy na naitatala sa ngayon sa Camarines Sur.