NAGA CITY- Patay ang isang dalaga matapos magpatiwakal sa Alabat, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Ancaja, 18-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang naagnas na katawan ng biktima na nakabigti sa isang punong kahoy mahigit kumulang 200 meters ang layo mula sa kanilang bahay.

Positibo na kinilala ang biktima ng kanyang ama sa pamamagitan ng suot nitong damit.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na si alyas Ancaja ang mahigit kumulang apat na araw ng patay.

Wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, bago ang insidente, ini-report na missing ng kanyang ama ang biktima gayundin kinumpirma nito na mayroong depression at nagsasailalim sa gamutang ang kanyang anak.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.