NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang 21-anyos na dalaga matapos malunod sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Cindy Arojado, residente ng Brgy. Matacla, Goa, sa naturang lalawigan. Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Dave John De Quiroz, hepe ng Sagñay PNP, sinabi nito na nawala ang naturang biktima madaling araw ngunit dakol alas 3:00 na ng pagkahapon ng ito ay matagpuan ngunit wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na kasama ng biktima ang 19-anyos nitong kapatid.

Ayon naman sa pakikipag-usap ng mga otoridad sa kapatid ng biktima, sinabi nito na nagpaalam naman aniya ang mga ito sa kanilang mga magulang.

Ngunit nabigla na lamang ang mga magulang nito na ganito na ang sinapit ng biktima dahil ayon sa kanila, hindi naman umano nagpaalam ang magkapatid na pupunta at maliligo sa lugar.

Sa ngayon, panawagan na lamang ni De Quiroz sa publiko na huwag na muna magsagawa ng ganitong mga aktibidad.