NAGA CITY- Patuloy ngayon ang ginagawang pagtugis sa suspek sa pagpatay sa isang 14-anyos na dalagita sa Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur.

Nabatid na pinatay kasi gamit ang kabra at pinaniniwalaang hinalay pa ang biktima sa mismong tinutuluyang bahay nito sa kaniyang tiyahin sa nasabing bayan.

Ayon kay PLt Maria Victoria Regonaos, ang Deputy Chief of Police ng Pasacao Municipal Police Station, sa panayam ng Bombo Radyo Naga, sinabi nito na masaya pang sinalubong ng biktima ang bagong taon sa kanilang lugar.

Ngunit nang makauwi na ang dalagita, madaling araw ng Enero 1 2022, habang mag-isa sa kanilang bahay, nang pasukin umano ito ng suspek at dito na ginawa ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-4 ng hapon nang madiskubreng wala nang buhay ang biktima habang may tama sa ulo at wala na ring saplot pang-ibaba.

Samantala, hindi pa matukoy ang salarin sa krimen ngunit may mga tinitingnan ng persons of interest ang mga awtoridad.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente kasabay rin ang panawagan sa mga residente na makipag-ugnayan sa himpilan sakaling may impormasyon kaugnay sa insidente para sa agarang pagkakadakip ng mga responsable sa krimen.Top