Kasalukuyang nasa New York ang Nobel peace prize winner at pinatalsik na spiritual leader ng Tibetan Buddhism na si Dalai Lama.
Nakatakda itong magpa-opera ng kaniyang tuhod sa nasabing lungsod.
Kaugnay nito, binati naman ang 88-anyos na spiritual leader ng kanyang mga supporters na nag-abang sa kaniyang tinutuluyang hotel
Taong 1959 ng nagtungo sa India si Dalai Lama matapos ang bigong pagkontra nito sa pamamahala ng China sa Tibet.
Sa ngayon, nakakaranas na ng iba’t-ibang sakit ang Nobel peace prize winner mula pa noong mga nakaraang taon.