NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal matapos barilin sa Lucena City.
Kinilala ang mga biktima na si alyas Arvin, 49-anyos at si alyas Marlon, 42-anyos parehong residente ng Brgy.Ibabang Iyam, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek na kinilalang si alyas Margalito, 63-anyos, residente ng nasabing lugar ng pumunta ito sa tindahan na pagmamay-ari ni alyas Arvin at bigla na lamang umanong binaril gamit an sumpak o improvised shotgun.
Kaugnay nito, habang si alyas Marlon na malapit sa pinangyarihan ng insidente ang lumapit sa biktima at nagbiro pa pero nauwi naman sa pakikipag-agawan sa hawak na baril ng suspek pero maging ito ang nagtamo ng sugat sa kanyang pisngi matapos na barilin ni alyas Margalito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad naman na dinala sa ospital ang mga biktima habang kaagad naman na tumakas ang suspek.
Sa pigkundusir na follow up operation ng mga kapulisan, nabatid na sinubukan ng suspek na magpatiwakal pero napigilan ito ng kanyang mga kapamilya.
Matapos na arestuhin si alyas Margalito kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.
Samantala, napag-alaman pa ng mga awtoridad na pamangkin ng suspek ang dalawang biktima at away naman sa lupa ang dahilan ng nasabing krimen na pinagplanuhan na gawin ng suspek.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.