NAGA CITY- Sugatan ang dalawa katao matapos na magkasalpukan ang minamanehong motorsiklo sa San Fernando, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Julius Prima, hepe ng San Fernando Municipal Police Station, sinabi nito na nangyari ang aksidente sa Barangay Beberon sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Prima, marami rin ang nangyayaring aksidente sa kanilang bayan kung kaya patuloy naman ang kanilang isinasagawang hakbang para maiwasan ang mga ganitong aksidente.

Maliban pa dito, naitala naman ang pag-overshoot ng isang shuttle bus sa Brgy. Del Pilar na nagresulta ng pagkakaaksidente at pagkakasalpok nito sa isang residensiya.

Kinilala ang driver ng nasabing bus na si Gilman Ravago, 55-anyos, residente ng Oas, Albay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, habang binabaybay nito ang Southbound, bigla na lamang umano itong nawalan ng kontrol.

Dagdag pa ni Prima, wala namang ibang tao ang nasangkot sa insidente dahil wala namang ibang sakay ang bus.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing driver habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.