NAGA CITY- Naitala ang dalawang election-related incidents sa bayan ng Bato, Camarines Sur kahapon Oktubre 30, 2023, kaugnay ng isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni PMaj. Maria Victoria Abalaing, ang tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na naitala ang dalawang election-related incidents na inireport naman ng Bato Municipal Police Stations kahapon. Isa dito ay ang grave threats at ang paglabag sa Oplan Kontra Bigay o vote buying sa Barangay San Vicente sa naturang bayan.
Ayon sa kanilang naging monitoring report, nakatanggap umano ng impormasyon ang kanilang opisina tungkol dito at kaagad na tinungo ang lugar at dito nga nila nakita ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek ay mayroong papelitos at cash money sa harap ng bahay ng tumatakbong brgy. councilors.
Samantala, sa layong humigit-kumulang 20 metro mula sa mga kapulisan, nagkaroon naman ng pangdadahas ng mga supporters ng kandidato sa ibang botante na kaagad naman inaksyunan.
Sa kabila ng insidente, ligtas naman aniyang nakapagboto ang mga kababayan sa naturang bayan.
Kaugnay nito, naitala rin ang isang isolated case sa isang presinto ng Buluang Elementary School sa Baao, Camarines Sur, kun saan, inatake sa puso ang isang 21-anyos habang nasa loob Ng polling precint Nadala pa naman sa hospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad, hindi na ito nailigtas.
Maliban pa rito, walang naitalang paglabag sa ipinatupad na gun ban, money ban at violation on liquor ban dahil na rin sa mahigpit na pag monitor ng mga kapulisan at ang kanilang kampanya tungkol dito.
Sa kabilang banda, nasa 931 an Voting centers, 150 Quick response team (QRT) at 932 Ang na deploy na personnel sa naturang probinsya. Kun saan, nasa 2,428 ang total personnel kasama na ang mga augmentation mula sa Special action force, Regional Mobile Force battalion, Samaritan Group, 876 na Armed Forces of the Philippine, Philippine Coast Guard, at ang 621 na Bureau of Fire Protection.
Sa kabuuan nagin generally peaceful naman ang isinagawang election sa lalawigan ng Camarines Sur.