NAGA CITY – Arestado ang dalawang lalaki matapos ang isinagwang buy bust operation sa Barangay Caraycayon, Tigaon, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Francis Llamas, 28-anyos residente ng Barangay Concepcion Grande, Naga City at Leoncio Esparcia II, 29-anyos residente ng Barangay Sta Elena, Nabua, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na narecover sa mga suspek ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money at mga drug paraphernallia.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman na dati ng kasama sa drugs Watchlist si Llamas habang bago pa sa nasabing iligal na gawain si Esparcia.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek para sa karampatang disposisyon.