NAGA CITY- Patay ang dalawang menor de edad matapos malunod sa Brgy. Maragñi San Fernando, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa San Fernando Municipal Police Station napag-alaman na ang mga naturang biktima ay ang magkapatid na may edad 5-anyos at 7-anyos pa lamang.
Batay sa imbestigasyon, nabatid na kasama ng mga biktima ang mga pinsan nito ng pumunta sa isang ilog sa naturang barangay.
Ngunit pasado alas 5:00 ng pagkahapon ng magsimula nang maghanap ang mga magulang ng mga biktima.
Habang bandang alas 8:00 na ng gabi ng makuha ang katawan ng mga ito sa ilalim ng nasabing ilog.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.