NAGA CITY- Inaasahang tumaas pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ambo sa sektor ng Agricultura sa Bicol Region.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Emy Bordado, tagapagsalita ng Deartment of Agriculture (DA)-Bicol, sinabi nitong una na silang nakapagtala ng mahigit sa P79-M initial-partial damage mula sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ngunit posibleng lomobo pa aniya ito ngayong linggo dahil may mga lugar pang hindi nakakapagsubmit ng kanilang data.
Kung maaalala, base sa partial damage report ng DA-Bicol, nangunguna sa may pinakamalaking pinsala ang lalawigan ng Masbate na may P36.9 M, sunod ang Camarines Sur na may P33.1M, Albay na may P4.5M, Sorsogon na may P2.6M, Catanduanes na may P2.5M at Camarines Norte na may mahigit P85,000.
Habang 3,847. 87 ektarya naman ng sakahan ang naapektuhan at 4,565 metric tons naman ang production loss.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya ang tulong sa mga apektadong magsasaka sa rehiyon.