NAGA CITY- Magbabanggaan sa 2022 Elections ang mga dating kilalang magkaalyado sa politika sa Naga City at CamSur.
Ito’y kasunod ng opisyal na pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy kahapon, Oktubre 8, 2021
Sa pagka-gobernador sa probinsya ng Camsur, inaasahan na magtatapat si Incumbent Vice-Governor Imelda Papin at si Luigi Villafuerte na kapatid ni Incumbent Governor Migz Villafuerte.
Mababatid na matagal nang ka-alyado sa politika ng mga Villafuerte si Papin sa nasabing probinsya.
Kaugnay nito, nilinaw din ni Papin na nakipag usap aniya ito kay Rene Magtuto para ipaabot kay 2nd District Cong. Lray Villafuerte an kanyang desisyon at maayos naman aniya itong nakapagpaalam.
Kinumpirma din ng bise-gobernador na ang susuportahan nitong Presidential Candidate si Former Senator BongBong Marcos dahil nasa ilalim ito ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP na siyang partido ni Marcos.
Makakalaban din ni Incumbent Governor Migz Villafuerte si Incumbent Iriga Mayor Madelaine Alfelor bilang kongresista sa 5th District ng CamSur o Rinconada Area.
Samantala sa Naga City naman, maghaharap sa pagka-alkalde si Incumbent Mayor Nelson Legacion at si Former Mayor Atty. John Bongat, na kapwa nasa ilalim ng Team Naga ng nakaraang eleksyon.
Si Legacion ay lalaban para sa kanyang ikalawang termino at si Bongat naman ay magbabalik sa nasabing posisyon matapos ang kanyang pamamahinga sa politika.
Mababatid na naka 3 termino si Bongat sa kanyang pagsilbi bilang alkalde ng Naga City simula noong 2010-2019. Kung saan humalili naman sa pwesto si Legacion matapos na pinalad na manalo noong nakaraang halalan.
Kaugnay nito, kapwa nagpaabot ng kanilang pagsuporta si Legacion at Bongat at ang buong Team Naga kay VP Leni Robredo bilang presidente ng Pilipinas na orihinal na miyembro ng nasabing grupo.
Bukod nga dito, samu’t-sari ang naging reaskiyon ng mga mamamayan sa naging desisyon ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng bansa sa susunod na eleksiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa dating konsehal na malapit sa pamilya Robredo na si Jun Labadia, sinabi nito na marami ang natuwa at napaiyak sa naging anunsiyo ng pangalawang pangulo.
Kung maalala, ito ang matagal nang hinihintay hindi lamang ng mga Nagueño at mga Bikolano kung hindi gayundin naman ng buong bansa.
Lininaw naman ni Labadia na ang desisyon na ito ni VP Leni ay hindi lamang dahil sa naudyok ito ng publiko.
Sa katunayan aniya, bago ang naging anunisyo ni Robredo hanggang sa huling minuto, undecided pa rin si Robredo dahil malaking sakripisyo ito sa kaniya.
Sa kabila nito, buo pa rin ang suporta ng pamilya Robredo sa naging desisyong ito ng pagtakbo sa pagka-pangulo ng bansa para sa 2022 Elections.
Samantala, sang-ayon naman ang mga vendors sa lungsod ng Naga sa naging desisyon ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo sa pagka-presidente para sa darating na hahalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ferdinand Dino, isang vendor sa lungsod, sinabi nito na maganda ang desisyong ito ng pangalawang pangulo para mapalitan na ang mga nakaupo sa pamahalaan.
Dagdag pa nito, kung sakaling manalo si Robredo, inaasahan nila na maayos na ang sistema ng bansa lalo na ang hamong dala ng pandemya.
Kaugnay nito, umaasa naman si Gie Alcantara, isang vendor ng isda, na matututukan ang lungsod ng Naga at madadagdagan pa ang mga proyekto sa rehiyong Bikol kung sakaling maluklok na Pangulo si Robredo.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng mga ito kay Robredo na ipagpatuloy ang laban dahil nariyan aniya ang kanilang buong suporta para magkaroon ng mabuting lider ang bansa.
Kinumpirma din ng Comelec Naga na bukod kina Legacion at Bongat mayroong pang 3 aspirants sa pagka-alkalde ang inaasahan na magtutunggali sa nasabing lungsod kasali na dito sina Fortunato Mendoza, Emmanuel Morano at Ferdinand San Joaquin.
Samantala sa CamNorte naman, inaasahan din ang tapatan ng dalawang partido sa pagka-gobernador mula sa kampo ni Incumbent Governor Edgardo Tallado at former Jose Panganiban Mayor Ricardo Dong Padilla.
Eto naman ang Official List ng Aspiring Candidates sa ibat-ibang posisyon sa Camsur.
Governor:
1.Richard Cabral
2. Luigi Villafuerte
3. Ireneo Bongat Jr.
4. Imelda Papin
5. Russel Bañes
Vice-Governor:
1. Lamcito R. Robles
2. Nelson B. Julia
3. Salvio Patrick E. Fortuno
4. Gerald Pilapil
5. Romeo Nacario
Representatives:
1st District
1. Rolando “Nonoy” Andaya
2. Tsuyoshi Anthony Horibata
2nd District
1. Luis Raymund Villafuerte
2. Ronnie E. Abasola
3rd District
1. Gabriel Bordado Jr.
2. Jose Anselmo Cadiz
3. Sulpicio Cho Roco Jr
4. Juan M. Tria II
5. Dennis Tria
4th District
1. Arnie Fuentebella
2. Anjo Yllana
5th District
1. Migz Villafuerte
2. Madel Alfelor
Sa ngayon, inaantay na lamang ang pormal na anunsyo ng magiging line-up ng mga aspiring candidates mula sa pagka-gobernador hanggang sa mga konsehal ng bayan para sa pag arangkada nito sa papalapit na 2022 Elections.Top