Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte patungkol sa pagtakbo nilang mag-aama sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.
Maaalala, inanunsyo ni Vice President Sara na tatakbo ang ama at ang 2 kapatid nito na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte na tiyak sa pagkasenador sa susunod na taon.
Isinaysay naman ng dating pangulo ng huwag paniwalaan ang sinabi ng anak dahil wala pa silang desisyon.
Kung manalo aniya sila ay hindi naman nila alam ang gagawing mag-aama sa senado.
Dagdag pa ng dating Presidente hindi naman siya kinonsulta ng anak noong ito ay nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education.
Sa ngayon, ipapaubaya na lamang umano nito sa Maykapal ang kapalaran nito sa halalan.