Kinumpirma ng mga kaanak ni dating US Attorney General Pam Bondi na na-diagnose ito na may thyroid cancer ilang araw matapos siyang alisin ni US President Donald Trump sa kaniyang posisyon.

Ayon sa pamilya ng 60-anyos na dating opisyal, patuloy siyang sumasailalim sa gamutan at inaasahang ooperahan sa mga susunod na araw.

Matatandaang bago matapos ang Abril ay tinanggal si Bondi sa Department of Justice, kung saan sinabi nitong nais na niyang mamuhay bilang pribadong mamamayan matapos ang kaniyang panunungkulan.

Ayon sa medical experts, ang thyroid cancer ay may limang taong survival rate na higit sa 98 porsyento at karamihan sa mga kaso nito ay nagagamot lalo na kung maagang natutukoy.

Advertisement
Advertisement