Mabilis na ibinaba ng entablado si dating US President Donald Trump matapos ang malakas na putok ng baril na umalingaw-ngaw sa kasagsagan ng isinasagawang rally sa Butler, Pennsylvania.

Kaugnay nito, habang ang dating Presidente at presumptive Republican nominee ang ipinapakita ang chart ng border crossing numbers mula sa huli nitong rally bago ang Republican National Convention ng bigla na lamang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa paligid.

Dito na nakita na mayroong dugo sa mukha ni Trump kung saan kaagad naman na lumapit ang kanyang mga agent upang protektahan ang dating Presidente.

Nagsigawan naman ang maraming taong dumalo sa rally lalo pa’t ang malakas na putok ng baril ay nagpatuloy habang inaalalayan sa pagbaba si Trump.

Kaagad naman na umalis sa nasabing lugar ang motorcade ni Donald Trump.

Samantala, naitala naman ang pagkamatay ng isang audience sa nasabing insidente maging ang gunman.

Sa ngayon, nasa ligtas na umanong kalagayan si dating Presidente Donald Trump habang kinondena naman ni US President Joe Biden ang pangyayari.