Alam ba nindyo mga mga ka-bombo, ang Death Clock ay isang innovative app na gumagamit ng artificial intelligence upang eksaktong hulaan ang haba buhay ng isang indibidwal batay sa iba’t ibang factors gaya ng diet, exercise level at sleeping habits.

Ang nasabing death clock ang inilunsad noong nakaraaang July, na kung saan ang AI-powered app ang gumagamit ng dataset nang nasa 1,200 life expectancy studies at 53 million na kalahok upang makapagbigay ng personalized death predictions sa users.

Kaugnay nito, ang mga financial planners ay nagbibigay ng atensyon sa nabanggit na Death Clock dahil nakakapagbigay umano ito sa kanila ng motibasyon upang mapabuti ang pagpaplano sa kanilang finances para sa retirement.