NAGA- Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Naga ang dahilan kung bakit inilipat sa Milaor, Camarines Sur ang control point mula sa bayan ng Del Gallego.
Sa pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kawani ng media, sinabi nito na isinagawa ang nasabing hakbang dahil wala nang naitatalang nagpopositibong biyahero na mula sa labas ng rehiyon matapos ang isinagawang paghihigpit ng National Capital Region (NCR).
Aniya, ang magiging sistema ng control point sa Milaor ay katulad pa rin ng sistema sa Del Gallego.
Kung saan, ang mga sasakyan na napatunayan na hindi naman galing sa labas ng rehiyon ay papayagan na magpatuloy ng kanilang byahe ngunit ang mga sasakyan na posibleng galing sa Metro Manila ang haharangin at hihingian ng kaukulang dokumento bago makapasok sa nasabing lungsod.
Kaugnay nito, papayagan naman na mag-home quarantine ang mga byahero na kwalipikado lamang dito habang hindi naman kailangan na mag-quarantine pa ang mayroong negatibong resulta ng RT-PCR test .
Sa ngayon, wala pa naman aniya silang direkriba hingil sa mga fully vaccinated individual na galing sa ibang lalawigan.