Tila normal pa aniya ang pamumuhay ng mga residente ng bansang Denmark sa kabila ng COVID-19 pandemic
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Mike Pendon, sinabi nito na naka-work from home ngayon ang mga manggagawa habang naka-home schooling naman ang mga estudyante sa naturang bansa.
Hindi rin aniya pinagbabawal ang paglabas ng bahay basta’t titiyakin lamang na sumusunod sa social distancing.
Ngunit pinagbabawal pa rin ng pamahalaan aniya ang malalaking pagtitipon sa bansa.
Dagdag pa nito, wala ring nangyayaring panic-buying sa lugar sa kabila ng krisis.
Samantala, tiniyak naman nito na hindi nagpatupad ng lockdown ang pamahalaan ng bansa sa kabila ng patuloy na pagkalat ng nakamamatay na sakit.