NAGA CITY- Nilinaw ng Department of Education (DepEd)-Bicol na wala pang ibinababang mandato si Vice President Sara Duterte at kalihim ng ahensiya hinggil sa mga posibleng pagbabago sa estado ng esukasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Gilbert Sadsad, ang Regional Director ng DepEd-Bicol, sinabi nito na nagsasagawa pa ng mga konsultasyon at meeting sa mga posibleng maging miyembro ng Executive Committee ng bise-presidente.
Dagdag pa ni Sadsad, hindi naman bast-basta maaring alisin ang K-12 curriculum dahil ito ay nasa ilalim ng isang batas kung saan, tanging pag-review o revision lamang ng curriculum ang posibleng gagawin.
Samantala, sinabi pa ng Regional Director na handa naman sila sa anuman na magiging pagbabago sa mandato sa panig naman ng kagawaran ng edukasyon.