NAGA CITY- Nilinaw ngayon ng Schools Division Superentented ng Camarines Norte na isang pictorial lamang ang isinasagawa sa nag viral na video ng mga estudyante mula sa Daongon Elementary School, Daet, Camarines Norte.
Sa kabila ng banta ng coVID-19, makikita sa video na pinag pasa-pasahan ng apat na estudyante ang isang facemask habang kinukunan ng litrato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SDS Camarines Norte Dr. Nympha Guemo, sinabi nito na agad nilang tinawagan ang mismong principal ng nasabing paaralan at agad na pinapasa ng incident report hinggil sa insidente.
Ayon kay Guemo,napag-alaman na mismong ang mga magulang umano ng mga bata ang may kagustuhan na kunan ng larawan ang mga anak nila habang may suot na facemask at walang facemask.
Sa ngayon tiniyak ng Deped na magkakaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil sa naturang isyu.
Sa ngauon, patuloy na umaani ng mga negatibong reaksyon at komento ang naturang video sa social media.