NAGA CITY- Muling hinikayat ng pamunuan ng DepEd Camarines Sur ang mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak kasabay ng nagpapatuloy na enrollment sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Salvador “Bogs” Pelingon, Division Information Officer ng DepEd Camarines Sur, sinabi nito na batay sa datos noong nakaraang linggo, umabot na sa mahigit 25-K na mga estudyante ang naipa-enroll sa lalawigan ng Camarines Sur.
Dagdag pa ni Pelingon na magpapatuloy pa an enrollment hanggang Hulyo 26 at magsisimula naman ang klase sa Hulyo 29.
Inaasahan naman ng opisyal na mananatili na ang Camarines Sur ang mayroong pinakamataas na enrollment turn out ngunyan na school sa Bicol Region.
Ang enrollment naman umano ang nagsisilbing konsiderasyon para sa magigin ratio ng mga estudyante at mga guro, upang malaman kung magiging sapat ba ang bilang ng mga teachers sa bilang ng enrollees sa loob ng isang eskwelahan.
Nagpa-alala naman ang opisyal sa lahat ng mga magulang na ang pagpapa enroll sa mga pampublikong eskwelahan ay walang bayad.
Ang kailangan lamang ng mga magta-transfer na mga grade students mula grade 1 hanggang grade 12 ay magdala ng mga basic na mga credentials habang ang mga bagong mag-e-enroll ay birth certificate.
Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa lahat ng mga magulang na laanan ng oras ang pagpapa enroll sa kanilang mga anak.