NAGA CITY- Aminado ang Department of Education (DepEd) na nalulungkot sila na nasayang ang pagsisikap ng mga atleta sa nalalapit na Palarong
Bicol na dapat sanay magsisimula na sa huling linggo ng buwan ng Marso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nelson Gomez, Division Sports Officer ng DepEd Camarines Norte, sinabi nitong nasa 70-80% na sanang handa
ang Camarines Norte bilang host province para sa Palarong Bicol ngayong taon.
Ayon kay Gomez, kahit nakansela ang nasabing palaro dahil sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19) magtutuloy-tuloy pa rin ang preparasyon ng
kanilang ahensya para sa muling na pagpapatuloy ng aktibidad ano mang oras o panahon.
Dagdag pa ni Gomez, maghihintay na lamang sila sa magiging deriktiba ng DepEd-Central Office para sa nasabing mga naantalang aktibidad.
Kung maaalala, kinansela ni DepEd Sec. Leonor Briones ang mga Palaro at Regional events dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit
na COVID-19.