Ipinapaubaya ng Department of Education (DepEd) sa mga pribadong paaralan kung ipapatupad nila ang trimester system, kasunod ng pahayag ng COCOPEA na hindi sila susunod sa bagong iskedyul ng pampublikong paaralan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, may flexible school calendar ang private schools kaya hindi sila kailangang sumabay sa iskedyul ng public schools. May ilang paaralan na ipinatutupad ang pagtatapos ng estudyante hanggang Mayo, na hindi akma sa bagong trimester.
Sa school year 2026-2027, magsisimula ang unang semester mula Hunyo hanggang Setyembre, ang pangalawang semester mula Setyembre hanggang Disyembre, at ang pangatlong semester mula Enero hanggang Marso. Nilinaw ni Angara na may kalayaan ang private schools na ayusin ang sariling iskedyul upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang komunidad.














