Kinondena ng Kagawaran ng Edukasyon ang hinggil sa di umano’y pang-momolestiya at panghoholdap sa apat na guro sa bayan ng Ocampo, sa lalawigan ng Camarines Sur. Sa ipinalabas na statement ng DepEd, inatasan na nito ang mga awtoridad at lahat ng office involve na madaliin ang imbestigasyon.

Ayon pa sa kagawaran, magbibigay rin sila ng finacial na tulong sa mga biktima at patuloy na tututok sa isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan.

Matatandaan na noong ika-10 ng Agosto nang pasukin umano ng mga armadong lalaki na nakasuot ng bonnet ang isang paaralan sa nasabing bayan kung saan nakuha ang mga cellphone at pera ng mga biktima ngunit hindi pa umano nakuntento ang mga suspek at nakaranas pa ng pang-aabuso ang mga ito sa kamay ng nasabing mga suspetsado.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa hindi pa nakikilalang suspek, ngunit mayroon naman na umano silang ikinokonsedera na person of interest.