NAGA CITY- Labis na makakatipid umano ngayon ang Department of Education (DepEd)- Naga dahil sa mga printing machine na inaasahanag ipapamahaging tulong ng lokal na gobyerno sa mga pampublikong paaralan ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Manny de Guzman, School’s Division Supperintendent ng Department of Education (DepEd)- Naga, sinabi nito na dahil sa mga printed machine ay mas mapapadali na ang pag hahanda sa mga kakailanganin na learning materials.
Ayon kay De Guzman, halos lahat ng paaralan sa lungsod ay inaasahang gagamitin ang printed learning materials habang may ilan rin namang gagamitin ang online learning.
Samantala kinumpirma naman nito na mayroon rin naman umanong budget na nakalaan ang DepEd para sa pag produce ng nasabing mga learning materials.
Sa ngayon, patuloy parin umano sa pag hahanda ang nasabing ahensya sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa buwan ng agosto.