NAGA CITY – Nakahanda na umano ang Department of Education (DepEd)-Naga sa full implementation ng face-to-face classes sa darating na Agosto.
Ito ang kinumpirma ni Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Manny De Guzman.
Aniya, makakaroon ng progressive format ang mga estudyante kung magbalik na sa in person classes.
Dagdag pa nito, hindi man umano napaghandaan ang pagdating ng pandemya ngunit kailangan pa ring paghandaan ang pagkawala ng nasabing virus.
Kasama na umano rito ang pagbalik sa normal na sistema ng pag-aaral, kagaya na lamang ng pagbalik sa mga classrooms, paghahanda ng mga gamit sa mga paaralan gayundin ng mga guro.
Samantala, nagpasalamat naman ang DepEd Official sa patuloy na vaccination program ng Local Government Unit (LGU)-Naga sa pangunguna ng Department of Health (DOH).
Mababatid na una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa susunod na academic year ay full implementation na ng F2F na target din ni incoming Vice President Inday Sara Duterte-Carpio, bagay na sinang-ayunan naman ng mga magulang ng mga etudyante.