Inanunsyo ni Energy Secretary Sharon Garin na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng langis sa pagitan ng P17 hanggang P24 kada litro ngayong linggo, ngunit ipamamahagi ang pagtaas sa loob ng pitong araw upang hindi biglang maramdaman ng publiko ang malaking alokasyon sa isang araw lamang.
Ayon kay Garin, hindi siya makakapag-regulate ng presyo dahil deregulated ang oil industry sa bansa, kaya’t nakadepende sa mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga at schedule ng pagtaas. Ilan sa mga kompanya ay magtataas ng P2.50 kada litro araw-araw, habang ang iba ay maaaring magtaas ng P10 kada litro sa Marso 10.
Sinabi ng DOE secretary na ang presyo ng langis sa lokal na merkado ay naka-peg sa Dubai crude oil at sa pandaigdigang presyo. Aniya, ang kasalukuyang pagtaas ay hindi pa ang pinakamataas sa kasaysayan, ngunit ito ang pinakamalaking jump na maipapatupad sa mga susunod na araw.
Ang hakbang ay bahagi ng epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan, kung saan nagsimula ang labanan matapos ang joint US-Israel operation na “Operation Epic Fury” laban sa pamahalaan ng Iran, na nagdulot ng retaliatory airstrikes. Mahalaga ito sa Pilipinas dahil 98% ng crude oil na ini-import ng bansa ay mula sa rehiyon.














