NAGA CITY- Mariin pa ring tinututulan ng DOH-Bicol ang posibleng pagbabalik ng byahe ng mga provincial buses papasok sa Bicol Region.
Ito’y dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Chito Avelino, Assistant Regional Director ng DOH-Bicol, sinabi nito na mayroon nang mga polisiya ang Department of Transportation (DOTr) na ipinapatupad sa bawat public transport company lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ayon dito, mas mabuti pa umano na maliban sa pagsusumikap na maibangon ang ekonomiya ng bansa ay ang pagtiyak din sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sa ngayon, hinihikayat ni Avelino gayundin ng naturang ahensiya ang publiko na limitahan ang pagbyahe dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.